Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 7 sa 85 • Tagalog


الَّذِينَ يَحْمِلُونَ الْعَرْشَ وَمَنْ حَوْلَهُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيُؤْمِنُونَ بِهِ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا وَسِعْتَ كُلَّ شَيْءٍ رَحْمَةً وَعِلْمًا فَاغْفِرْ لِلَّذِينَ تَابُوا وَاتَّبَعُوا سَبِيلَكَ وَقِهِمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ 7
Pagsasalin:
Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno. Ghāfir 40:7
Tafsīr:
Ang mga anghel na nagpapasan ng Trono ng Panginoon mo, O Sugo, at ang mga nasa paligid nito ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila sa anumang hindi nababagay sa Kanya, sumasampalataya sa Kanya, at humihiling ng kapatawaran para sa mga sumampalataya sa Kanya, na mga nagsasabi sa panalangin nila: "Panginoon namin, sumaklaw ang kaalaman Mo at ang awa Mo sa bawat bagay kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila at sumunod sa relihiyon Mo, at mangalaga Ka sa kanila laban sa Apoy na makasaling sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 6 Susunod Ghāfir • Talata 8