Ang mga nagpasinungaling sa Aklat at sa ipinasugo Namin sa mga sugo Namin ay makaaalam [sa kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila] Ghāfir 40:70 ⧉
Tafsīr:
[Sila] ang mga nagpasinungaling sa Qur'ān at sa ipinadala Namin sa mga sugo Namin na katotohanan. Malalaman ng mga tagapagpasinungaling na ito ang kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila at makikita nila ang kasagwaan ng wakas.