Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 77 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 77 sa 85 • Tagalog


فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ 77
Pagsasalin:
Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Kaya kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin pababalikin sila [para gantihan]. Ghāfir 40:77
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pananakit ng mga kalipi mo at pagpapasinungaling nila; tunay na ang pangako ni Allāh ng pag-aadya sa iyo ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo sa buhay mo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa gaya ng nangyari sa Araw ng Badr o magpapapanaw nga Kami sa iyo bago niyon. Saka sa Amin lamang sila panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon, saka gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila para papasukin Namin sila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 76 Susunod Ghāfir • Talata 78