Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang at upang umabot kayo lulan ng mga ito sa isang pangangailangang nasa mga dibdib ninyo. Lulan ng mga ito at lulan ng mga daong dinadala kayo. Ghāfir 40:80 ⧉
Tafsīr:
Ukol sa inyo sa mga nilikhang ito ay mga pakinabang na sarisari, na nagpapabagu-bago sa bawat panahon. Natatamo para sa inyo sa pamamagitan ng mga ito ang naiibigan ninyo na mga pangangailangan na nasa mga sarili ninyo. Ang pinakalitaw sa mga ito ay ang pagpapalipat-lipat sa katihan at karagatan.