Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 28 sa 54 • Tagalog


ذَٰلِكَ جَزَاءُ أَعْدَاءِ اللَّهِ النَّارُ ۖ لَهُمْ فِيهَا دَارُ الْخُلْدِ ۖ جَزَاءً بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ 28
Pagsasalin:
Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang ganti dahil sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila. Fuṣṣilat 41:28
Tafsīr:
Ang ganting nabanggit na iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ay kawalang-hanggan na hindi napuputol magpakailanman bilang ganti sa pagkakaila nila sa mga tanda ni Allāh at kawalan ng pananampalataya nila sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito at lakas ng katwiran ng mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 27 Susunod Fuṣṣilat • Talata 29