Hindi nagkakapantay ang magandang gawa at ang masagwang gawa. Itulak mo [ang masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, biglang ang [taong] sa pagitan mo at niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik. Fuṣṣilat 41:34 ⧉
Tafsīr:
Hindi nagkakapantay ang paggawa ng mga magandang gawa at mga pagtalima na nagpapalugod kay Allāh at ang paggawa ng mga masagwang gawa at mga pagsuway na nagpapainis sa Kanya. Itulak mo sa pamamagitan ng katangiang siyang higit na maganda ang paggawa ng masagwa ng gumawa ng masagwa sa iyo kabilang sa mga tao, saka biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may naunang pagkamuhi – kapag nagtulak ka sa paggawa niya ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanya – ay [magiging] para bang siya ay isang kamag-anak na magiliw.