Walang sinasabi sa iyo [na pagpapasinungaling] kundi ang sinabi na sa mga sugo [ni Allāh] bago mo pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at may parusang masakit. Fuṣṣilat 41:43 ⧉
Tafsīr:
Walang sinasabi sa iyo, O Sugo, na pagpapasinungaling malibang sinabi na sa mga sugo bago mo pa, kaya magtiis ka sapagkat tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya at may parusang nakasasakit para sa sinumang nagpumilit sa mga pagkakasala niya at hindi nagbalik-loob.