Nawala sa kanila ang dati nilang dinadalanginan bago pa niyan. Nakatiyak sila na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan [mula sa parusa ni Allāh]. Fuṣṣilat 41:48 ⧉
Tafsīr:
Naglaho sa kanila ang dati nilang dinadalanginan na mga anito. Nakapagtiyak sila na walang matatakasan para sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh at walang maiiwasan.