Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 53 sa 54 • Tagalog


سَنُرِيهِمْ آيَاتِنَا فِي الْآفَاقِ وَفِي أَنْفُسِهِمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُ الْحَقُّ ۗ أَوَلَمْ يَكْفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ 53
Pagsasalin:
Magpapakita Kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw at sa mga sarili nila hanggang sa luminaw para sa kanila na [ang Qur’ān na] ito ay ang katotohanan. Hindi ba nakasapat ang Panginoon mo na Siya sa bawat bagay ay Saksi? Fuṣṣilat 41:53
Tafsīr:
Magpapakita si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh ng mga tanda Niya sa mga abot-tanaw ng lupa na sasakupin Niya para sa mga Muslim. Magpapakita Siya sa kanila ng mga tanda Niya sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagsakop sa Makkah hanggang sa lumiwanag para sa kanila, sa pamamagitan ng nag-aalis ng pagdududa, na ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito. Hindi ba nakasapat sa mga tagapagtambal na ito na ang Qur'ān ay totoo dahil sa pagsaksi ni Allāh na ito ay mula sa ganang Kanya? Sino pa ang higit na dakila sa pagsasaksi kaysa kay Allāh? Kung sakaling sila ay nagnanais ng katotohanan ay talaga sanang nagkasya sila sa pagsaksi ng Panginoon nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 52 Susunod Fuṣṣilat • Talata 54