Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 21 sa 53 • Tagalog


أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ شَرَعُوا لَهُمْ مِنَ الدِّينِ مَا لَمْ يَأْذَنْ بِهِ اللَّهُ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةُ الْفَصْلِ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۗ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 21
Pagsasalin:
O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh? Kung hindi dahil sa salita ng pagpapasya ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. Ash-Shūrā 42:21
Tafsīr:
O nagkaroon ba ang mga tagapagtambal na ito ng mga diyos bukod pa kay Allāh? Nagsabatas nga ang mga ito para sa kanila sa relihiyon ng hindi pinayagan para sa kanila ni Allāh ang pagsasabatas niyon gaya ng pagtatambal sa Kanya, pagbabawal sa ipinahintulot Niya, at pagpapahintulot sa ipinagbawal Niya. Kung hindi dahil sa ginawa ni Allāh na isang yugtong tinakdaan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba, at na Siya ay nagpapahuli sa kanila nito, ay talaga sanang nagpasya Siya sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh at mga pagsuway, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 20 Susunod Ash-Shūrā • Talata 22