Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 24 sa 53 • Tagalog


أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۖ فَإِنْ يَشَإِ اللَّهُ يَخْتِمْ عَلَىٰ قَلْبِكَ ۗ وَيَمْحُ اللَّهُ الْبَاطِلَ وَيُحِقُّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 24
Pagsasalin:
O nagsasabi ba sila: “Gumawa-gawa siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?” Ngunit kung niloob ni Allāh ay magpipinid Siya sa puso mo. Bumubura si Allāh ng kabulaanan at nagtototoo Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya. Tunay na Siya ay Maalam sa mga laman ng mga dibdib [ng mga tao]. Ash-Shūrā 42:24
Tafsīr:
Kabilang sa haka-haka ng mga tagapagtambal ay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo, bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa, at nagpanatili Ako ng katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 23 Susunod Ash-Shūrā • Talata 25