Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 27 sa 53 • Tagalog


وَلَوْ بَسَطَ اللَّهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهِ لَبَغَوْا فِي الْأَرْضِ وَلَٰكِنْ يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ بِعِبَادِهِ خَبِيرٌ بَصِيرٌ 27
Pagsasalin:
Kung sakaling nagpaluwag si Allāh ng panustos para sa mga lingkod Niya ay talaga sanang nanampalasan sila sa lupain subalit nagbababa Siya ayon sa sukat na niloloob Niya. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay Mapagbatid, Nakakikita. Ash-Shūrā 42:27
Tafsīr:
Kung sakaling nagpaluwang si Allāh ng panustos para sa lahat ng mga lingkod Niya ay talaga sanang nagmalabis sila sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-katarungan subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagbababa ng panustos ayon sa sukat na niloloob Niya na pagpapaluwang o pagpapagipit. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ito kaya nagbibigay Siya dahil sa isang kasanhian at nagkakait Siya dahil sa isang kasanhian din.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 26 Susunod Ash-Shūrā • Talata 28