Ang ganti sa masagwang gawa ay isang masagwa gawang tulad niyon; ngunit ang sinumang nagpaumanhin at nakipag-ayos, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan. Ash-Shūrā 42:40 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang nagnais na kumuha ng karapatan niya, ukol sa kanya iyon, subalit ayon sa katulad, nang walang karagdagan o paglampas. Ang sinumang nagpaumanhin sa gumawa ng masagwa sa kanya, hindi naninisi rito sa paggawa sa kanya ng masagwa, at nakipag-ayos sa pagitan niya at ng kapatid niya, ang gantimpala sa kanya ay nasa ganang kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan, na lumalabag sa katarungan sa mga tao sa mga sarili ng mga ito o mga ari-arian ng mga ito o mga dangal ng mga ito, bagkus nasusuklam Siya sa kanila.