Makikita mo sila na isinasalang doon [sa Apoy] habang mga nagtataimtim dahil sa kaabahan, na tumitingin mula sa isang sulyap na kubli. Magsasabi ang mga sumampalataya: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagdurusang mananatili.”
Ash-Shūrā 42:45 ⧉