Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 47 sa 53 • Tagalog


اسْتَجِيبُوا لِرَبِّكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۚ مَا لَكُمْ مِنْ مَلْجَإٍ يَوْمَئِذٍ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَكِيرٍ 47
Pagsasalin:
Tumugon kayo sa Panginoon ninyo bago pa may sumapit na isang Araw na walang matutulakan para roon mula kay Allāh. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan sa Araw na iyon at walang ukol sa inyo na anumang pagkakaila [ng mga pagkakasala]. Ash-Shūrā 42:47
Tafsīr:
Tumugon kayo, O mga tao, sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagdadali-dali sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at pag-iwan sa pagpapaliban bago pa sumapit ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating ay walang magtutulak doon. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan na dudulugan ninyo at walang ukol sa inyo na anumang pagkakailang ipangkakaila ninyo sa mga pagkakasala ninyo na nakamtan ninyo sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 46 Susunod Ash-Shūrā • Talata 48