Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa [Makkah na] Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito [na mga taga-Makkah at lahat ng mga tao] at magbabala ka [sa mga tao] ng Araw ng Pagtipon nang walang pag-aalinlangan doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab. Ash-Shūrā 42:7 ⧉
Tafsīr:
Tulad ng pagkasi Namin sa mga propeta noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur’an na Arabe upang magbabala ka sa Makkah at sinumang nasa paligid nito na mga pamayanan ng mga Arabe, pagkatapos sa mga tao sa kalahatan, at magpangamba ka mga tao ng Araw ng Pagbangon, ang Araw na titipunin ni Allāh ang mga una at ang mga huli sa nag-iisang larangan para sa pagtutuos at pagganti. Walang duda hinggil sa pagkaganap ng Araw na iyon. Ang mga tao ay mga mahahati roon sa dalawang pangkat. May isang pangkat sa Hardin: ang mga mananampalataya, at may isang pangkat sa Apoy: ang mga tagatangging sumampalataya.