O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak? Az-Zukhruf 43:16 ⧉
Tafsīr:
O nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak para sa sarili Niya at nagtangi Siya sa inyo ng mga lalaki sa mga anak, kaya anong paghahati ang paghahating ito na hinaka-haka ninyo?"