Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila. Az-Zukhruf 43:32 ⧉
Tafsīr:
Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo, O Sugo, kaya nagbibigay sila nito sa sinumang niloloob nila at nagkakait sila nito sa sinumang niloloob nila, o si Allāh? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng mga panustos nila sa Mundo. Gumagawa Kami mula sa kanila ng mayaman at maralita upang ang iba sa kanila ay maging pinagsisilbi para sa iba pa. Ang awa ng Panginoon mo para sa mga lingkod Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon ng mga ito na naglalahong basura ng Mundo.