Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw? Az-Zukhruf 43:40 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga ito ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan, mga bulag sa pagkakita nito. Kaya ikaw ba, O Sugo, ay nakakakaya sa pagpaparinig sa mga bingi o pagpapatnubay sa mga bulag o pagpapatnubay sa sinumang naging nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daang tuwid?