Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang paalaala para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo [hinggil dito]. Az-Zukhruf 43:44 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang Qur'ān na ito ay talagang isang dangal para sa iyo at isang dangal para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa pananampalataya rito, pagsunod sa patnubay nito, at pag-anyaya tungo rito.