Nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: “O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito ay dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita? Az-Zukhruf 43:51 ⧉
Tafsīr:
Nanawagan si Paraon sa mga tao niya, na nagsasabi sa pagyayabang sa kaharian niya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito na Nilo ay dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita sa kaharian ko at nakakikilala sa kadakilaan ko?