Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zukhruf — Talata 57 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zukhruf • Talata 57 sa 89 • Tagalog


وَلَمَّا ضُرِبَ ابْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّونَ 57
Pagsasalin:
Noong inilahad ang anak ni Maria bilang paghahalintulad [na sinasamba], biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghalakhakan. Az-Zukhruf 43:57
Tafsīr:
Noong nag-akala ang mga tagapagtambal na si Hesus na sinamba ng mga Kristiyano ay napaloloob sa kalahatan ng sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān Al-Anbiyā’ 21:98 ): "Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno; kayo doon ay mga sasapit." samantalang sumaway na si Allāh laban sa pagsamba kay Hesus gaya ng pagsaway Niya laban sa pagsamba sa mga anito, biglang ang mga tao mo, O Sugo, ay nag-iingay at sumisigaw sa pag-aalitan habang mga nagsasabi: "Nalugod kami na ang mga diyos namin ay maging nasa antas ni Hesus." Kaya nagpababa si Allāh ng isang tugon sa kanila (Qur'ān Al-Anbiyā’ 21:101 ): "Tunay na ang mga nauna, ukol sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda; ang mga iyon buhat doon ay mga pinalayo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zukhruf • Talata 56 Susunod Az-Zukhruf • Talata 58