Walang iba [si Jesus] kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya [ng pagkapropeta] at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel. Az-Zukhruf 43:59 ⧉
Tafsīr:
Walang iba si Jesus na anak ni Maria kundi isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh, na biniyayaan ng pagkapropeta at pagkasugo. Gumawa si Allāh sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel, na ipinapampatunay nila sa kakayahan ni Allāh nang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama gaya ng pagkalikha kay Adan nang walang mga magulang.