Tunay na si Jesus ay talagang [isang tanda ng] kaalaman [sa paglapit ng] Huling Sandali kaya huwag nga kayong magtaltalan hinggil dito at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid. Az-Zukhruf 43:61 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Jesus ay talagang isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali kapag bumaba siya sa wakas ng panahon kaya huwag kayong magduda na ang Huling Sandali ay magaganap, at sumunod kayo sa akin sa inihatid ko sa inyo mula sa ganang kay Allāh. Itong inihatid ko sa inyo ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito.