Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala. Az-Zukhruf 43:67 ⧉
Tafsīr:
Ang mga magkakatoto at ang mga magkakaibigan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw, ang ilan sa kanila para sa iba pa mga magkaaway sa Araw ng Pagbangon, maliban sa mga tagapangilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat ang pagkakaibigan nila ay palagi, hindi napuputol.