Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili. Az-Zukhruf 43:71 ⧉
Tafsīr:
Magpapalibot sa kanila ang mga tagapaglingkod nila ng mga lalagyang yari sa ginto at ng mga basong walang hawakan. Nasa paraiso ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata na makita, habang kayo roon ay mga mamamalagi; hindi kayo lalabas mula roon magpakailanman.