Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa nila, na ipinahamak Namin [dahil sa kasalanan]? Tunay na sila ay mga salarin noon. Ad-Dukhān 44:37 ⧉
Tafsīr:
Ito bang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa iyo, O sugo, ay higit na mabuti sa lakas at tatag, o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa sa kanila tulad ng `Ād at Thamūd, na ipinahamak Namin sa kalahatan? Tunay na sila ay mga salarin noon.