Si Allāh ang nagpasilbi para sa inyo ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya]. Al-Jāthiyah 45:12 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh lamang ay ang nagpasilbi para sa inyo, O mga tao, ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya sa pamamagitan ng mga uri ng mga paghahanap-buhay na pinapayagan, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa biyaya ni Allāh sa inyo.