Sabihin mo sa mga sumampalataya na magpatawad sila sa mga hindi nag-aasam ng mga araw ni Allāh upang gumanti Siya sa mga tao dahil sa dati nilang nakakamit [na kasalanan]. Al-Jāthiyah 45:14 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa Sugo Niya: "Magpalampas kayo sa sinumang gumawa ng masagwa sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na hindi pumapansin sa mga biyaya ni Allāh o mga salot Niya sapagkat tunay na si Allāh ay gaganti sa bawat isa sa mga mananampalatayang nagtitiis at mga tagatangging sumampalatayang lumalabag, dahil sa dati nilang nakakamit na mga gawa sa Mundo."