Iyon ay dahil kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutya at luminlang sa inyo ang buhay na pangmundo.” Kaya sa Araw na iyon, hindi sila ilalabas mula roon [sa Impiyerno] ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh]. Al-Jāthiyah 45:35 ⧉
Tafsīr:
Ang pagdurusang iyon na pagdurusahin kayo roon ay dahilan sa kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutyang ipinantutuya ninyo. Dumaya sa inyo ang buhay dahil sa mga sarap nito at mga ninanasa rito." Kaya sa Araw na iyon, hindi ilalabas ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga nangungutya sa mga tanda ni Allāh mula sa Apoy, bagkus mananatili sila roon bilang mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila pababalikin sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos at hindi malulugod sa kanila ang Panginoon nila.