Ang mga iyon ay mga tanda ni Allāh, na binibigkas sa iyo sa katotohanan. Kaya sa aling pakikipag-usap matapos kay Allāh at ng mga talata Niya [sa Qur’ān] sasampalataya sila? Al-Jāthiyah 45:6 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tanda at ang mga patotoo na ito ay binibigkas Namin sa iyo, O Sugo, sa katotohanan. Kaya kung hindi sila sumampalataya sa pakikipag-usap ni Allāh, na pinababa sa Lingkod Niya, at sa mga katwiran Niya, sa aling pakikipag-usap matapos Niya sasampalataya sila at sa aling mga katwiran matapos Niya magpapatotoo sila?