Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 12 sa 35 • Tagalog


وَمِنْ قَبْلِهِ كِتَابُ مُوسَىٰ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ وَهَٰذَا كِتَابٌ مُصَدِّقٌ لِسَانًا عَرَبِيًّا لِيُنْذِرَ الَّذِينَ ظَلَمُوا وَبُشْرَىٰ لِلْمُحْسِنِينَ 12
Pagsasalin:
Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda. Al-Aḥqāf 46:12
Tafsīr:
Bago pa ng Qur'ān na ito, ang Torah ay ang Kasulatan na pinababa ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang gabay na tinutularan sa katotohanan at bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at sumunod dito kabilang sa mga anak ni Israel. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay Aklat na tagapagpatotoo sa nauna rito na mga kasulatan, na nasa wikang Arabe, upang magbabala sa pamamagitan nito sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at dahil sa paggawa ng mga pagsuway. Ito ay isang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda na nagpaganda ng ugnayan nila sa Tagalikha nila at ng ugnayan nila sa nilikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 11 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 13