Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 15 sa 35 • Tagalog


وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ إِحْسَانًا ۖ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ كُرْهًا وَوَضَعَتْهُ كُرْهًا ۖ وَحَمْلُهُ وَفِصَالُهُ ثَلَاثُونَ شَهْرًا ۚ حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُ وَبَلَغَ أَرْبَعِينَ سَنَةً قَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَصْلِحْ لِي فِي ذُرِّيَّتِي ۖ إِنِّي تُبْتُ إِلَيْكَ وَإِنِّي مِنَ الْمُسْلِمِينَ 15
Pagsasalin:
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang ito sa kanya sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan; hanggang sa nang umabot siya sa katindihan niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay magsasabi siya: “Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin sa mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi at pagtalima] at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.” Al-Aḥqāf 46:15
Tafsīr:
Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng kamatayan nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ang haba nito at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa nang umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, ibuyo Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, ibuyo Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko; tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo, na mga sumusuko sa mga utos Mo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 14 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 16