Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 20 sa 35 • Tagalog


وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِينَ كَفَرُوا عَلَى النَّارِ أَذْهَبْتُمْ طَيِّبَاتِكُمْ فِي حَيَاتِكُمُ الدُّنْيَا وَاسْتَمْتَعْتُمْ بِهَا فَالْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُونِ بِمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنْتُمْ تَفْسُقُونَ 20
Pagsasalin:
Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: “Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo sa Mundo at nagtamasa kayo roon. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo dati ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasuwail.” Al-Aḥqāf 46:20
Tafsīr:
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at panunumbat: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo na Mundo at nagtamasa kayo roon ng mga minamasarap. Kaya tungkol naman sa araw na ito, gagantihan kayo ng pagdurusa na manghahamak sa inyo at mang-aaba sa inyo dahilan sa pagpapakamalaki ninyo sa lupa nang walang karapatan at dahilan sa paglabas ninyo sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 19 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 21