Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 3 sa 35 • Tagalog


مَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ وَالَّذِينَ كَفَرُوا عَمَّا أُنْذِرُوا مُعْرِضُونَ 3
Pagsasalin:
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa isang taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila ay mga umaayaw. Al-Aḥqāf 46:3
Tafsīr:
Hindi lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan. Bagkus lumikha niyon sa kabuuan niyon ayon sa katotohanan dahil sa mga kasanhiang malalim, na kabilang sa mga ito na makakilala ang mga tao sa Panginoon nila sa pamamagitan ng mga ito para sumamba sila sa Kanya lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at upang magsagawa sila ng mga hinihiling ng pagpapahalili sa kanila sa lupa hanggang sa isang taning na tinakdaan, na nakaaalam nito si Allāh lamang. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay mga tagaayaw sa ibinabala sa kanila sa Aklat ni Allāh, na hindi pumapansin dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 2 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 4