Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 12 sa 38 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا يَتَمَتَّعُونَ وَيَأْكُلُونَ كَمَا تَأْكُلُ الْأَنْعَامُ وَالنَّارُ مَثْوًى لَهُمْ 12
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila. Muḥammad 47:12
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ninanasa nila at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan; walang pinahahalagahan para sa kanila kundi ang mga tiyan nila at ang mga tawag ng laman nila. Ang Apoy sa Araw ng Pagbangon ay pamamalagihan nila na tutuluyan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 11 Susunod Muḥammad • Talata 13