Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso, na ipinakilala Niya sa kanila. Muḥammad 47:6 ⧉
Tafsīr:
Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon, na nilinaw Niya sa kanila sa pamamagitan ng mga paglalarawan niyon sa Mundo kaya nakilala nila iyon at ipinakilala Niya sa kanila ang mga antas nila roon sa Kabilang-buhay.