Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 10 sa 29 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ يُبَايِعُونَكَ إِنَّمَا يُبَايِعُونَ اللَّهَ يَدُ اللَّهِ فَوْقَ أَيْدِيهِمْ ۚ فَمَنْ نَكَثَ فَإِنَّمَا يَنْكُثُ عَلَىٰ نَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِمَا عَاهَدَ عَلَيْهُ اللَّهَ فَسَيُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا 10
Pagsasalin:
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh habang ang kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. Al-Fatḥ 48:10
Tafsīr:
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo, O Sugo, sa pangako ng katapatan ng pagkalugod sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh dahil Siya ay ang nag-utos sa kanila ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal at Siya ay ang gaganti sa kanila. Ang Kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila sa sandali ng pangako ng katapatan. Siya ay nakatatalos sa kanila; walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman. Kaya ang sinumang sumira sa pangako ng katapatan nito at hindi tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh na pag-aadya sa Relihiyon Niya, ang kapinsalaan lamang ng pagsira nito sa pangako nito ng katapatan at ng pagsira nito sa kasunduan nito ay mauuwi rito sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala niyon. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh na pag-aadya sa Relihiyon Niya ay magbibigay Siya rito ng isang ganting sukdulan, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 9 Susunod Al-Fatḥ • Talata 11