Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 12 sa 29 • Tagalog


بَلْ ظَنَنْتُمْ أَنْ لَنْ يَنْقَلِبَ الرَّسُولُ وَالْمُؤْمِنُونَ إِلَىٰ أَهْلِيهِمْ أَبَدًا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمْ وَظَنَنْتُمْ ظَنَّ السَّوْءِ وَكُنْتُمْ قَوْمًا بُورًا 12
Pagsasalin:
Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.” Al-Fatḥ 48:12
Tafsīr:
Ang idinahi-dahilan ninyo na pagkaabala sa pangangalaga sa mga ari-arian at mga anak ay hindi ang dahilan ng pagpapaiwan ninyo sa paglalakbay kasama sa kanya, bagkus nagpalagay kayo na ang Sugo at ang mga Kasamahan niya ay mapapahamak nang lahatan at hindi makababalik sa mga mag-anak nila sa Madīnah. Pinaganda iyon ng demonyo sa mga puso ninyo. Nagpalagay kayo ng isang masagwang pagpapalagay sa Panginoon ninyo na Siya ay hindi mag-aadya sa Propeta Niya. Kayo ay naging mga taong napahamak dahilan sa ipinangahas ninyo na pagpapalagay ng kasagwaan kay Allāh at pagpapaiwan palayo sa Sugo Niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 11 Susunod Al-Fatḥ • Talata 13