Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi. Al-Fatḥ 48:28 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang nagsugo sa Sugo Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kalakip ng paglilinaw na maliwanag at Relihiyon ng Katotohanan na siyang ang Islām upang magpataas Siya nito sa mga relihiyong sumasalungat dito sa kabuuan ng mga ito. Sumaksi nga si Allāh doon. Nakasapat si Allāh bilang Tagasaksi.