Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 1 sa 18 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيِ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 1
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. Al-Ḥujurāt 49:1
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag kayong mauna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya ng isang sasabihin o isang gagawin at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 29 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 2