Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 14 sa 18 • Tagalog


قَالَتِ الْأَعْرَابُ آمَنَّا ۖ قُلْ لَمْ تُؤْمِنُوا وَلَٰكِنْ قُولُوا أَسْلَمْنَا وَلَمَّا يَدْخُلِ الْإِيمَانُ فِي قُلُوبِكُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ لَا يَلِتْكُمْ مِنْ أَعْمَالِكُمْ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 14
Pagsasalin:
Nagsabi ang [ilan sa] mga Arabeng disyerto: “Sumampalataya kami.” Sabihin mo: “Hindi [pa] kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: ‘Nagpasakop kami [sa Islām].’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.” Al-Ḥujurāt 49:14
Tafsīr:
Nagsabi ang ilan sa mga naninirahan sa ilang noong pumunta sila sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo Niya." Sabihin mo sa kanila, o Sugo: "Hindi kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: ‘Sumuko kami at nagpaakay kami.' Hindi pa nakapasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo at inaasahan ito na pumasok sa mga iyon. Kung tatalima kayo, o mga Arabeng disyerto, kay Allāh at sa Sugo Niya sa pananampalataya, gawang matuwid, at pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay hindi magbabawas sa inyo si Allāh ng anuman mula sa gantimpala ng mga gawa ninyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad s a sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 13 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 15