O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. Ipinahintulot para sa inyo ang hayop ng mga hayupan maliban sa bibigkasin pa sa inyo [dito sa Qur’ān], habang hindi naman mga napahihintulutan ng pangangaso samantalang kayo ay mga nasa iḥrām. Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya.
Al-Mā’idah 5:1 ⧉