Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 13 sa 120 • Tagalog


فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ لَعَنَّاهُمْ وَجَعَلْنَا قُلُوبَهُمْ قَاسِيَةً ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ عَنْ مَوَاضِعِهِ ۙ وَنَسُوا حَظًّا مِمَّا ذُكِّرُوا بِهِ ۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَائِنَةٍ مِنْهُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۖ فَاعْفُ عَنْهُمْ وَاصْفَحْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ 13
Pagsasalin:
Kaya dahil sa pagkalas nila sa tipan sa kanila, isinumpa Namin sila at ginawa Namin ang puso nila na matigas. Naglilihis sila sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito. Lumimot sila ng isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila. Hindi ka titigil sa pagkabatid sa kataksilan mula sa kanila maliban sa kaunti sa kanila, ngunit magpaumanhin ka sa kanila at magpawalang-sala ka. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. Al-Mā’idah 5:13
Tafsīr:
Kaya dahilan sa pagkalas nila sa kasunduang tinanggap sa kanila, nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami sa mga puso nila na maging magaspang at matigas, na walang umaabot sa mga ito na isang kabutihan at walang nagpapakinabang sa mga ito na isang pangaral. Naglilihis sila sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga bigkas sa mga ito at ng pagpapakahulugan sa mga kahulugan ng mga ito ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Iniwan nila ang paggawa sa ilan sa ipinaalaala sa kanila. Hindi ka natitigil, O Sugo, sa pagtuklas mo mula sa kanila ng isang kataksilan kay Allāh at sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, maliban sa kaunti sa kanila na tumupad sa tipang tinanggap sa kanila. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, huwag kang manisi sa kanila, at magpawalang-sala ka sa kanila sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 12 Susunod Al-Mā’idah • Talata 14