Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 20 sa 120 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنْبِيَاءَ وَجَعَلَكُمْ مُلُوكًا وَآتَاكُمْ مَا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ 20
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong gumawa Siya sa inyo ng mga propeta, gumawa sa inyo na mga hari, at nagbigay sa inyo ng hindi Niya ibinigay sa isa man mula sa mga nilalang. Al-Mā’idah 5:20
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya, na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 19 Susunod Al-Mā’idah • Talata 21