Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 51 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 51 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْيَهُودَ وَالنَّصَارَىٰ أَوْلِيَاءَ ۘ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَإِنَّهُ مِنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 51
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa [na kumakalaban sa inyo na] mga Hudyo at mga Kristiyano bilang mga katangkilik. Ang ilan sa kanila ay mga katangkilik ng iba. Ang sinumang tumatangkilik sa kanila kabilang sa inyo, tunay na siya ay kabilang sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. Al-Mā’idah 5:51
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa mula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng mga kapanalig at mga hinirang na makikipagtangkilikan kayo sa kanila sapagkat ang mga Hudyo ay nakikipagtangkilikan lamang sa mga alagad ng kapaniwalaan nila at ang mga Kristiyano ay nakikipagtangkilikan lamang sa mga alagad ng kapaniwalaan nila. Ang kapwa pangkat ay pinagbubuklod ng pakikipag-away sa inyo. Ang sinumang tumatangkilik sa kanila kabilang sa inyo, tunay na siya ay nasa panig nila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan dahilan sa pakikipagtangkilikan nila sa mga tagatangging sumampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 50 Susunod Al-Mā’idah • Talata 52