Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 67 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ بَلِّغْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ ۖ وَإِنْ لَمْ تَفْعَلْ فَمَا بَلَّغْتَ رِسَالَتَهُ ۚ وَاللَّهُ يَعْصِمُكَ مِنَ النَّاسِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ 67
Pagsasalin:
O Sugo, magpaabot ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo. Kung hindi mo gag̶̶awin ay hindi ka nagpapaaabot ng pasugo Niya. Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya. Al-Mā’idah 5:67
Tafsīr:
O Sugo, magpabatid ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo nang buo at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Nagpaabot nga ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng kasalungatan niyon ay nagpabigat nga ng kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay mangangalaga sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi sila makakakaya ng pagpaparating sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga tagatangging sumampalataya na hindi nagnanais ng kapatnubayan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 66 Susunod Al-Mā’idah • Talata 68