Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 69 sa 120 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئُونَ وَالنَّصَارَىٰ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 69
Pagsasalin:
Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeo, at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-Mā’idah 5:69
Tafsīr:
Tunay na ang mga mananampalataya; ang mga Hudyo; ang mga Sabeo, na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta; at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng mga gawang matuwid ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa mga mabuting bahagi sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 68 Susunod Al-Mā’idah • Talata 70