Qāf. Sumpa man sa Qur’ān na maringal: [si Muḥammad ay talagang Sugo ni Allāh]. Qāf 50:1 ⧉
Tafsīr:
Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Sumumpa si Allāh sa Marangal na Qur’ān dahil sa taglay nito na mga kahulugan at dami ng kabutihan at biyaya: talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.