[Sasabihin]: “Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.” Qāf 50:22 ⧉
Tafsīr:
Sasabihin sa inaakay na taong ito: "Talaga ngang ikaw dati sa Mundo ay nasa isang pagkalingat sa Araw na ito dahilan sa pagkalinlang sa iyo ng mga pagnanasa mo at mga minamasarap mo, kaya humawi Kami sa iyo ng pagkalingat mo sa pamamagitan ng magpapasakit sa iyo na pagdurusa at pighati kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas, na matatalos mo sa pamamagitan nito ang bagay na ikaw dati ay nasa isang pagkalingat."